Reyes talo kay Schmidt

MANILA, Philippines - Ipinamalas ni John Schmidt ang kan­yang masidhing pagnanasa na ma­panalunan ang Predator 14.1 World Tour­nament nang kunin ang 200-169 pa­nalo laban sa pambato ng Pilipinas na si Efren ‘Bata’ Reyes na nangyari sa New York, USA.

Lumayo agad si Schmidt sa 107-5 at 125-54, ngunit nakuha ni Reyes ang kan­yang tumbok at nagtala ng 112 balls ran para agawin ang bentahe sa 166-125.

Ngunit sa halip na manlumo ay gi­namit na dagdag hamon sa kanyang ka­kayahan ang bagay na ito at tinapos ni Schmidt ang labanan sa pamamagitan ng 5-1 run.

Si Schmidt ang unang US pool player na nanalo sa torneo matapos ang 22 taon at malaking lundag ang kanyang ginawa da­hil noong nakaraang taon, siya ay tumapos lamang sa ika-17th puwesto.

Ito ang kanyang unang titulo sa taon para sa $20,000 premyo, habang si Reyes na sinibak sina Mika Immonen ng Fin­land, Co­rey Deuel ng US at World No. 1 player Dar­ren Appleton ng England, ay tumanggap ng $10,000.

Show comments