Tamaraws sinuwag ang Maroons; Bulldogs umiskor sa Falcons

MANILA, Philippines - Gumawa ng bagong career-high si Terrence Ro­­meo para pangunahan ang 73-70 panalo ng Far Eastern University laban sa UP sa 75th UAAP men’s basketball kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

May 24 puntos si Romeo at kumasa ng 5-of-7 shooting sa 3-point arc, ngu­nit ang kanyang ma­ha­lagang puntos ay nagmu­la sa freethrow line nang tap­yasan ng Maroons ang 68-53 kalamangan ng Ta­maraws sa 70-71.

Nauna rito, nagkaroon ang UP ng pagkakataon na maitabla ang laro nang nalagay sa 15-foot line si Mark Lopez pero sablay ang kanyang ikalawang free­throw.

May 9 rebounds, 8 assists at 2 steals si Romeo, ha­bang si Anthony Hargrove ay naghatid ng 10 pun­tos at 9 rebounds at na­katabla ng Tamaraws sa li­derato ang nagdedepensang Ateneo Blue Eagles sa magkatulad nilang 5-1 ba­raha.

Si Mike Silungan ay may­­roong 12 puntos para sa Maroons (0-4).

Nagtala rin ng panalo ang Bulldogs (4-2) nang la­pain ang Adamson (1-3) sa pamamagitan ng 77-62 pa­nalo sa unang laro.

Show comments