Casimero tiniyak na 'di isusuko ang korona
MANILA, Philippines - Parehong tumimbang ng 108 pounds sina Filipino world light flyweight champion Johnriel Casimero at Mexican challenger Pedro Guevara para sa kanilang salpukan ngayon sa Centro de Con venciones sa Mazatlán, Sinaloa, México.
Kumpiyansa si Casimero na magiging matagumpay ang una niyang pagdedepensa sa suot na International Boxing Federation light flyweight crown laban kay Guevara.
“Gagawin ko ang lahat para maibalik ang korona ko sa Pilipinas,” pangako ng 22-anyos at tubong Ormoc City, Leyte na si Casimero,
Ito ang ikalawang pagkakataon na dadayo si Casimero sa Mexico matapos maagawan ni Ramon Garcia Hirales ng dating bitbit niyang World Boxing Organization (WBO) interim title via split de cision noong Hulyo 24, 2010 sa Los Mochis, Sinaloa.
Tangan ni Casimero ang kanyang 16-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 10 KOs, habang dala ni Guevarra ang 18-0-1, (3 KOs) slate.
Ang mga tatayong judges sa nasabing championship fight ay sina Levi Martinez ng New Mexico, Dr. Ruben Garcia ng Texas at Matthew P. Podgorski ng Illinois.
Si Ray Corona ng California ang magsisilbing referee sa suntukan nina Casimero at Guevara.
- Latest
- Trending