^

PSN Palaro

Barriga minalas

- The Philippine Star

LONDON--Nawalan ng suwerte si Mark Anthony Barriga nang matapos ang laban para sa London Olympic matapos matalo kay Birzhan Zhakypov ng Kazakhstan sa dikitang 17-16 iskor round sa London Olym­pics.

Hindi nagawang masustina ni Barriga ang hi­na­wakang lamang sa second round, matapos patawan ng dalawang point de­duction sa third round ang naging mitsa ng pagkakatalsik ng Pinoy sa kontensyon.

Matapos maungusan sa first round ni Zhakypov, 5-4, bumangon naman ang 19-anyos na si Barriga sa se­­­cond round, 6-3, kung sa­an si­ya lumamang, 10-8.

Sa panalo ni Zhakypov, napadugo ni Barriga ang ilong sa kanilang mga spar­ring sessions bago ang nakaraang World Cham­piosnhips, makakalaban ni­­ya sa quarterfinal round si Olympic gold medalist Shiming Zhou ng China.

Tinalo ni Zhou si Barriga sa World Champiosnhips. 

Ang pagkatalo ni Barriga ay nag-iwan na lamang kina long jumper Marestella Torres, 5000-meter bet Rene Herrera at BMX rider Danny Caluag ang kampan­ya ng bansa sa quadrennial meet.

“Go, go Barriga, Go, go Barriga,” ang hiyawan ng mga Filipino fans na sumaksi sa laban upang magbigay ng suporta.

Ngunit walang nagawa ang malakas na sigaw ng mga fans kung saan sini­mulan na ni Zhakypov na atakihin si Barriga, tampok ang kang kumbinasyong ang nagpahina sa Filipino kasabay ng pagkaubos ng oras.

BARRIGA

BIRZHAN ZHAKYPOV

DANNY CALUAG

LONDON OLYM

LONDON OLYMPIC

MARESTELLA TORRES

MARK ANTHONY BARRIGA

SHY

ZHAKYPOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with