Azkals lumipad pa-Amerika, AFF Suzuki Cup paghahandaan
MANILA, Philippines - Bilang paghahanda para sa AFF Suzuki Cup sa Nobyembre, bumiyahe ang Philippine Azkals patungong US para sa isang 17-day training camp na tinatampukan ng mga friendlies laban sa Chicago Inferno Soccer Club at US Virgin Islands national team.
Isang 24-man pool ang binuo para sa nasabing mga sessions sa pamumuno nina team captain Aly Borromeo, vice skipper Chieffy Caligdong, at veterans Jason Sabio, Rob Gier, Ian Araneta, Denis Wolf at Eduard Sacapano.
Kasama rin sa tropa si Fil-Am Chris Greatwich, ang goal-scorer sa 1-1 draw ng Azkals kontra sa Singapore sa group stages ng 2010 Suzuki Cup,bukod pa kina Fil-Panamanian Demetrius Omphroy at Fil-Italian Matt Uy.
Ang kukumpleto sa koponan ay ang kambal na sina Marvin at Marwin Angeles, Misagh Bahadoran, Jeff Christiaens, Ref Cuaresma, Jason de Jong, Roel Gener, Anton Gonzales, Nestorio Margarse, Carli de Murga, Paolo Pascual, OJ Porteria at Patrick Reichelt.
- Latest
- Trending