Smart triathletes lalahok sa IronMan 2012
MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon, magpapadala ang wireless services leader na Smart Communications, Inc. (Smart) ng mga atleta para sa IronMan 70.3 triathlon event na nakatakda bukas sa Cebu.
Kabuuang 15 Smart employees, lahat ay miyembro ng bagong tatag na Triathlon Club, ang lalahok sa swim-bike-run event na kanilang inensayo noong pang Mayo.
“Immediately after forming the club last April, we started joining triathlons in Subic, Metro Manila, and Batangas. We’ve also had weekend bike rides and trainings in Sierra Madre and Cavite,” sabi ni Smart senior engineer Mark Alfred Arroyo, ang presidente ng Triathlon Club.
Ilan sa mga club members ay mga IronMan 70.3 veterans matapos sumali sa annual event simula noong 2009.
Kilalang mahirap ang IronMan races kung saan kailangang makumpleto ng mga triathletes ang isang 1.9-kilometer swim, 90-kilometer bike ride, at 21-kilometer run.
Halos 1,300 atleta ang nagkumpirma ng kanilang pagsali sa IronMan 70.3.
“Smart’s support for this endeavor is very much appreciated. Smart has always encouraged its employees to pursue their interests and to engage in healthy activities,” ani Arroyo.
“Our Chief Wireless Advisor Orlando Vea has also been supportive of activities organized by our internal sports clubs,” wika naman ni Smart Triathlon Club member at human resources manager Aldous Brigino.
- Latest
- Trending