Del Rosario, Valdez nanguna sa WC center finalists
MANILA, Philippines - Nanguna ang mga beteranong internationalists na sina Liza del Rosario at Paulo Valdez sa una sa dalawang center finals sa 2012 World Cup National championships na idinadaos sa dalawang magkahiwalay na palaruan.
Si Del Rosario ay gumawa ng 2,035 matapos ang 10-game series upang makalamang kina Lovella Catalan (1,804), Eunice Wijangco (1,728) at Melshared Luzon (1,514) na ginagawa sa Paeng’s Midtown Bowl.
Sa kabilang banda, si Valdez na minsan naging Asian champion ay nagpagulong ng 2,490 upang iwanan ang mga katunggali tulad nina Gerome Vergara (2,280), Eric Aranez (2,280) at Larry Leyes (2,091) sa Astrobowl.
Ang ikalawang qualifying round ay gagawin sa 13 iba’t ibang centers para madetermina ang mga sasali sa ikalawang center finals.
Ang national finals ay gagawin mula Setyembre 15 at 16 sa Coronado Lanes, Setyembre 18 at 19 sa Paeng’s Midtaown at Setyembre 21 sa SM Bowling North Edsa.
Ang lalabas na kampeon sa kalalakihan at kababaihan ang kakatawan sa bansa sa 2012 World Cup international finals mula Nobyembre 24 hanggang Disyembre 2 sa Sky Bowling Center sa Wroclaw, Poland.
Sina Biboy Rivera, na dating world champion, at Liza Clutario ang mga nagdala sa laban ng bansa sa huling edisyon na nilaro sa Johannesburg, South Africa.
- Latest
- Trending