MANILA, Philippines - Nagbago na ang isip ni dating collegiate star Chris Tiu.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ng dating Blue Eagle ng Ateneo De Manila University, na isinumite na niya ang kanyang aplikasyon para sa 2012 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 19 sa Robinson’s Midtown Manila.
“Dropped my application at d PBA office this morning,” wika ng 5-foot-11 na si Tiu sa kanyang Twitter account.
Nadismaya si Tiu nang hindi mapasama ang kanyang pangalan sa Smart Gilas II lineup na gagabayan ni Chot Reyes, binitawan na ang Talk ‘N Text na sasaluhin naman ni Ateneo mentor Norman Black sa 38th season ng PBA.
Inisip ni Tiu na magnegosyo na lamang base na rin sa kanyang tinapos na Bachelor of Science in Management Engineering at Bachelor of Science in Applied Mathematics sa Ateneo.
Ngunit nagdesisyon si Tiu, isa ring model at TV host, na magsumite ng kanyang aplikasyon sa 2012 PBA Rookie Draft sa pamamagitan ng kanyang Tweet na “Hello PBA :).