Hoshina madaling naitumba ng Koreano
LONDON--Isa na namang atleta ng Team Philippines ang nakalasap ng kabiguan sa 30th Olympic Games.
Isang mabilis na pagkatalo ang natikman ni Filipino-Japanese judoka Tomohiko Hoshina laban kay South Korean Kim Sung-mi.
Nagkulang sa pagiging agresibo, yumukod ang 25-anyos na si Hoshina kay Sung-min sa pamamagitan ng ‘ippon’.
Hindi pinaporma ng Korean si Hoshina mula umpisa hanggang sa huli sa loob ng isang minuto at limang segundo ng six-minute heavyweight contest.
“He’s too good for me,’’ sambit ni Hoshina sa pamamagitan ng isang Olympic interpreter, sa pagkatalo niya na naglaglag sa kanya sa repechage kung saan ang pinakamataas na lamang niyang makakamit ay bronze medal.
Para makamit ang tansong medalya, kailangan ni Hoshina ng milagro para makakuha ng panalo sa dibisyon na kinabibilangan din ni five-time world champion Teddy Riner ng France.
Nanalo si Riner, hangad ang kanyang unang Olympic gold medal, kontra kay Janusz Wojnarowics ng Poland.
- Latest
- Trending