^

PSN Palaro

B-Meg dinala ang serye sa game 7

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ang mga hard fouls ni 6-foot-6 Beau Belga sa fourth quarter ang siyang naging dahilan ng pagbagsak ng Elasto Painters.

Lalong nag-init sa ka­nilang opensa dahil sa mga fouls ni Belga, nagtayo ang B-Meg ng isang 20-point lead sa 6:19 ng final canto para talunin ang Rain or Shine, 97-81, sa Game Six at itabla ang kanilang championship series para sa 2012 PBA Governors Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Llamados ang nagtabla sa kanilang best-of-seven championship series ng Elasto Painters sa 3-3 patungo sa napakahalagang Game Seven bukas sa Big Dome.

Nanggaling ang B-Meg, nagkampeon sa nakaraang 2012 PBA Commis­sioner’s Cup, sa 1-3 pagka­kabaon sa kanilang serye ng Rain or Shine.

Sa tatlong koponang nakabangon mula sa isang 1-3 pagkakabaon sa isang title series, ang Ginebra la­mang ang nakasikwat ng titulo matapos balikan ang Shell sa 1991 First Confe­rence Finals tampok ang winning fadeaway basket ni Rudy Distrito.

Ang Purefoods (2006 Philippine Cup) at ang Talk `N Text (2011-12 Philippine Cup) ang dalawa ring tropang nakabawi sa 1-3 deficit subalit ito ay nangyari sa semifinals series.

Sina two-time PBA Most Valuable Player Ja­mes Yap, import Marqus Blakely at rookie Mark Barroca ang nagbida sa second period kung saan itinala ng Llamados ang isang 13-point lead, 35-22, kontra sa Elasto Painters sa 5:06 nito.

Buhat sa 30-44 pagka­kaiwan, isang maikling 8-2 atake ang ginawa nina Best Import Jamelle Cornley, Ryan Araña at Gabe Norwood para sa 38-46 agwat ng Rain or Shine sa 9:29 ng third quarter hanggang ihulog ng B-Meg ang isang 12-4 bomba upang mu­ling makalayo sa 58-42 sa 4:37 nito.

Sa final canto matapos makadikit sa 65-73, ang hard foul ni Belga kay Rafi Reavis sa 8:49 ang nagresulta sa 11-0 ratsada ng Llamados, tampok dito ang dalawang krusyal na three-point shot nina PJ Simon at Jonas Villanueva, para iwanan ang Elasto Painters sa 84-65 sa 6:51 ng laro.

B-MEG 97 - Yap 20, Bla­kely 19, Simon 16, Villanueva 11, Barroca 8, De Ocampo 8, Urbiztondo 7, Reavis 6, Pingris 2, Gaco 0, Burtscher 0.

 RAIN OR SHINE 81 - Cornley 14, Tang 13, Norwood 12, Quinahan 9, Chan 7, Buenafe 7, Ibanes 7, Belga 6, Arana 4, Cruz 2.

Quarterscores: 19-13, 42-30, 65-56, 97-81

ANG PUREFOODS

B-MEG

BEAU BELGA

BEST IMPORT JAMELLE CORNLEY

BIG DOME

DE OCAMPO

ELASTO PAINTERS

LLAMADOS

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with