Walang problema sa timbang
LONDON--Kumpara sa kanyang kalaban na Kazakshtan, walang problema si Mark Anthony Barriga sa kanyang timbang sa 30th Olympic Games.
Sinabi ni Barriga na kaya pa niyang kumain ng isang quarter-pounder na hamburger bilang snack at maaari pa ring makuha ang 49-kilogram limit.
“Forty-eight kilos lang ako sir. Kaya puwedeng kumain ng marami,” sabi ni Barriga, nag-almusal ng kanin, noodles at dalawang hiwa ng tinapay kasama sa dining hall sina coach Roel Velasco at boxing official Ed Picson isang araw bago ang kanyang laban.
Ang 19-anyos na si Barriga, isa sa dalawang atletang bahagi ng 11-man Team Phl na binigyan ng pag-asang makasikwat ng medalya maliban kay BMX rider Danny Caluag, ay aakyat ng boxing ring sa ikalawang pagkakataon sa ganap na ala-1:45 ng hapon (8:45 ng gabi sa Manila) para labanan si Kazaksthan fighter Birzhan Zhakypov.
Ang mananalo sa kanilang suntukan ang aabante sa quarterfinals.
“Pakiramdam ko mas maganda ang kundisyon ko ngayon keysa noong lumaban ako sa Italian. Mas maganda ang pakiramdam ko,’’ sabi ni Barriga.
Ayon kay Velasco, nagkakaproblema si Zhakypov na makuha ang 49-kilogram limit na nagresulta sa masama niyang ipinakita kay Frenchman Jeremy Beccu na kanyang tinalo, 18-17.
Naging impresibo naman ang laban ni Barriga na may kilos na kasing bilis ng kanyang idolong si Manny Pacquiao para sa kanyang 17-7 panalo laban kay Cappai sa harap ng maraming manonood na kinabilangan ng kanyang inang si Merlita at amang si Ed.
Noong Huwebes ng umaga sa Athletes Village ay nag-ensayo si Barriga ng halos isang oras sa routine na tinampukan ng isang 50-meter sprint runs at abdominal exercises na pinaulit ng kanyang coach kinahapunan.
“Parang nagbabawas ng timbang. Ang daling hingalin doon sa unang laban,’’ ani Velasco, nagsabing hindi siya nagkukumpiyansa sa laban ni Barriga. “Trabaho pa rin. Mahirap ng mag-kumpiyansa.”
- Latest
- Trending