^

PSN Palaro

Rain or Shine muling magtatangka sa korona

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kung may tao mang nag­palakas ng loob ng mga Llamados sa kanilang 91-81 panalo laban sa Elasto Painters sa Game Five ng 2012 PBA Governors Cup Finals noong Miyerkules, ito ay si Fil-Ame­rican coach Erik Spoelstra ng 2012 NBA champions Miami Heat.

Sa halftime ay nagtu-ngo si Spoelstra, bumibisita sa bansa, sa locker room ng B-Meg kung saan niya nakausap si mentor Tim Cone at ang mga Llamados.  

“The best part of winning is coach Spo coming to the locker room afterwards. That’s very cool for him,” wika ni Cone kay Spoelstra. “I knew him before he got LeBron (James), (Dywane) Wade and (Chris) Bosh. He has not changed from that moment until now. He hasn’t changed, incredibly humble.”

Ang naturang tagum­pay ng B-Meg ang nagpaantala sa tangkang pag-angkin ng Rain or Shine sa kanilang kauna-unahang PBA championship sapul ng umakyat sa pro league noong 2006.

Muling pipilitin ng Elasto Painters na makopo ang korona, habang hangad naman ng Llamados na makatabla sa kanilang best-of-seven championship series sa Game Six ngayong alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng B-Meg ang dalawang sunod na pa­nalo ng Rain or Shine para makadikit sa 2-3 sa kanilang titular showdown.

Sa tatlong koponang nakabalik mula sa isang 1-3 pagkakabaon sa isang title series, tanging ang Ginebra ang nakakopo ng titulo matapos resbakan ang Shell sa 1991 First Conference Finals tampok ang winning fadeaway basket ni Rudy Distrito.

Nakabangon rin ang Purefoods (2006 Philippine Cup) at Talk `N Text (2011-12 Philippine Cup) mula sa isang 1-3 deficit. Ngunit ito ay sa semifinal round lamang.

Bagama’t natalo sa Game Five kung saan na­patalsik si 6-foot-6 center Beau Belga dahil sa kanyang ikalawang technical foul sa third period, kumpiyansa pa rin si Yeng Guiao na makakamit ng Painters ang korona.  

B-MEG

BEAU BELGA

ELASTO PAINTERS

ERIK SPOELSTRA

FIRST CONFERENCE FINALS

GAME FIVE

GAME SIX

GOVERNORS CUP FINALS

LLAMADOS

PHILIPPINE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with