^

PSN Palaro

5 atleta na lang ang aasahan ng Pinas

- The Philippine Star

LONDON--Nakatakdang bumalik sa Maynila ang dalawang archers, dalawang swimmers, isang weightlifter at isang shooter.

Halos kalahati ng Team Philippines ay nakita sa aksyon sa loob lamang ng 30 minuto sa kani-kanilang events bago yumukod isa-isa sa first round sa 30th Olympic Games noong Huwebes.

Ang natitirang pag-asa na lamang ng bansa ay sina boxer Mark Anthony Barriga, long jumper Marestella Torres, 5,000m runner Rene Herrera, judoka Hoshina Tomohiko at BMX rider Miguel Caluag.

Sinamahan ni archer Mark Javier si Rachel Ann Cabral matapos matalo kay World No. 1 Ellison Brady ng US, 111-99, sa men’s archery competition.

Natapos ang nasabing five-set match sa fourth set nang kunin ni Brady ang tatlong set sa kanilang best-of-five series para umabante sa second round sa knockout phase.

Ito rin ang nangyari kay Javier nang matalo sa first round sa 2008 Olympics.

Nagwakas rin ang kampanya ni Brady nang matalo siya kay 23rd ranked Worth Taylor ng Australia, 7-1.

ANTHONY BARRIGA

BRADY

ELLISON BRADY

HOSHINA TOMOHIKO

MARESTELLA TORRES

MARK JAVIER

MIGUEL CALUAG

OLYMPIC GAMES

RACHEL ANN CABRAL

RENE HERRERA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with