^

PSN Palaro

Kinakapos

PRESS ROW - Abac Cordero - The Philippine Star

Bilib ako sa kakayahan ng Pilipinong atleta.

Kung talent at skill lang ang pag-uusapan ay ma­dami tayo. Likas na mahilig at mahusay sa sports. Marunong din naman dumiskarte.

Sa combat sports gaya ng boxing, taekwondo o judo at sa mga measurable sports gaya ng track and field, swimming o cycling, may ibubuga naman.

Ang problema nga lang, sa aking obserbasyon, ay madalas na kinakapos ang ating mga atleta pagdating sa dulo, sa meta.

Kumbaga sa karera ng kabayo, madalas ay banderang kapos.

Mas mainam sana kung banderang tapos.

Magaling sa simula. Pero oras na tamaan ng pagod, parang kandilang nauupos. Sa kasabihan nga sa sports, natatapon ang sabaw sa hulihan.

Kulang sa hangin. Kulang sa resistensiya.

Napanood kong lumangoy si Jessie Khing Lacuna sa kanyang 200m freestyle heat sa London Olympics nung isang gabi. Kaisa-isang pambato natin si Lacuna.

Pero bago pa man sila tumalon sa tubig ay tila alam ko na ang mangyayari.

Maganda ang simula. Sumabay sa mga kalaban at sa kalagitnaan ng karera ay nasa pangalawa at pa­ngatlong puwesto pa si Lacuna.

Apat na balik sa Olympic pool ang karera. Dikdikan sa unang dalawang laps at kitang-kita na may ibubuga si Lacuna.

Hanggang dumating sa homestretch. Gaya ng aking sinasabi, kinapos si Lacuna. Bumagal at nang matapos ang karera, pang-lima na siya sa anim na entries.

Kaya ang tanong: Nasaan ang problema?

Gaya ng nasabi, wala sa talent dahil unang-una, ke qualifier ka man o wild card entry ay hindi ka makakapunta sa Olympics kung bamban ka.

Magaling si Lacuna at bata pa. Sa edad na 18 years, may pag-asa pa siyang makabalik sa Olympics. Pero kailangang maging mas handa pagdating sa re­sistensiya.

Hindi puwedeng matalo dahil lang napagod sa huli.

Nakatakdang lumaban ang boxer na si Mark Anthony Barriga laban sa isang Italyano kagabi. Unang laban ni Barriga sa London Olympics.

Tingnan natin. Wag sanang kapusin.

APAT

BARRIGA

BILIB

BUMAGAL

GAYA

JESSIE KHING LACUNA

LONDON OLYMPICS

MAGALING

MARK ANTHONY BARRIGA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with