Caguioa may karisma rin kagaya ni Jaworski
MANILA, Philippines - Nasa edad 32-anyos si Robert Jaworski, Sr.nang makamit ang kanyang Most Valuable Player trophy sa Philippine Basketball Association noong 1978.
Ito rin ang edad ni Mark Caguioa, ang 2001 PBA Rookie of the Year, sa kanyang pagtanggap ng 2012 PBA MVP award noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
“Wala, siguro nagkataon lang na same age kami ni Senator (Jaworski) when we got the MVP trophy,” sabi ni Caguioa, nakadaupang palad ng 66-anyos na ngayong si Jaworski sa jersey retirement ceremony ng tinaguriang ‘The Living Legend’ noong Hulyo 8 para sa kanyang No. 7 uniform.
Ang six-foot-1 na si Caguioa, tubong Vergara, Mandaluyong at nag-aral sa Glendale Community College sa United States, ang sinabi ni Jaworski na nagpapakita sa ‘never-say-die spirit’ ng Ginebra.
May mga leksyon ding nakuha si Caguioa sa kanyang maikling pakikipag-usap kay Jaworski ng mga sandaling iyon.
“Iniisip ko ang mga tao. Mahal ang ticket para makapanood, makapasok, tapos hindi ka naman binabayaran ng monthly mo,” ani Caguioa sa mga Ginebra fans. “Kailangang ipakita mo sa mga tao na nagbabayad just to watch us play na maglaro ka ng may puso. For 48 minutes na mapapasaya mo ang mga tao, ‘yun ang gusto kong ibigay sa kanila.”
Ito rin ang natunghayan ng mga PBA fans tuwing naglalaro si Jaworski, ang huling PBA game ay noong Marso ng 1997 sa Dumaguete City sa edad na 50-anyos.
“I am thankful to have this (MVP) award as a Ginebra player. It’s a very humbling, great experience to receive this trophy. Ibang klase talaga, lalo nandiyan ang mga Ginebra fans. It’s worth it just playing in front of the crowd, in front of the PBA fans, in front of the Ginebra fans.”
- Latest
- Trending