Sariling rekord pipiliting burahin ni Torres sa kabila ng pagiging overweight
LONDON--Kung malalampasan ni Maristella Torres ang kanyang personal best na 6.71 meters na pinakamaganda rin sa Southeast Asia, malaki ang tsansa niyang manalo ng medalya sa women’s long jump event ng 30th Olympic Games athletic competitions.
Ang 31-anyos na si Torres ay isa lamang sa kabuuang 40 entries sa preliminaries na nakatakda sa Agosto 4 sa Olympic stadium.
Nakapasok siya sa ilalim ng B standard (6.65m) para sa women’s long jump ngunit mababa sa A-standard (6.75m) na maaaring magbigay sana sa kanya ng pag-asa para sa gold medal sa finals sa Agosto 8.
Sinabi ng 5-foot-7 na tubong San Jose, Negros Occidental na hindi pa niya nakukuha ang kanyang porma at ang kanyang fighting weight na 52 kilos.
“I am three kilos above my ideal weight, and I’m still making adjustments in other departments of the game before I can be in top condition,” sabi ni Torres. “Magaan na ako pero gusto ko pang gumaan lalo so I’ll be in top condition for my event.”
Nagsanay si Torres sa Germany ng tatlong taon.
Sa kanyang pagsasanay sa Germany, nalundag niya ang 6.62m para angkinin ang gold medal sa Kosmonov Memorial sa Kazakhstan noong Hulyo.
“Sana ma-condition lang. My target is to surpass my personal best, and I hope I can do it here in London,” ani Torres.
- Latest
- Trending