^

PSN Palaro

3 ex-PBA stars panauhin sa NAASCU opening ngayon

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pakikinangin ang pagbubukas ng 12th season ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) ngayong umaga sa Makati Coliseum sa pagdalo ng tatlong tinitingalang basketbolista sa bansa.

Ang 4-time PBA MVP Alvin Patrimonio, si Avelino “Samboy” Lim at dating San Miguel Beer pointguard at ngayon ay national youth coach Olsen Racela ang magiging panauhing pandangal sa opening ceremony na magsisimula sa ganap na alas-9 ng umaga.

Mangunguna sa palabas ang pangulo ng NAASCO na si Dr. Ernesto Jay Adalem ng host school St. Clare College at bukod sa pagparada ng mga kasaling koponan, tampok sa seremonya ang paggawad sa Centro Escolar University ng kanilang overall championship trophy matapos dominahin ang aksyon noong nakaraang season.

Kasunod ng opening ay ang tagisan ng walong ko­ponan na maghahangad ng unang panalo.

Ang mga laro ay katatampukan ng STI College at St. Clare, University of Pasay City kontra New ERA University, Trace College vs CEU at Our Lady of Fatima University laban sa AMACU.

Bukas ang kampeonato sa men’s basketball dahil ang nagdedepensang University of Manila ay nagpas­yang magbakasyon sa taong ito.

ALVIN PATRIMONIO

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLLEGES AND UNIVERSITIES

DR. ERNESTO JAY ADALEM

MAKATI COLISEUM

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

OLSEN RACELA

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

SAN MIGUEL BEER

ST. CLARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with