Titulo idedepensa ni Barbosa sa KL chessfest

MANILA, Philippines - Nakatakdang idepensa ni Grandmaster Oliver Barbosa ang kanyang korona laban sa mahuhusay na woodpushers sa pagsulong ng DYTM Raja Nazrin Shah International Open Chess Championship 2012 na gaganapin sa Olympic Sports Hotel, Kuala Lumpur, Malaysia sa Setyembre 17-23.

Kabilang sa magtatangka na maagaw ang korona ni Barbosa sina GM Sergei Tiviakov ng Netherlands, GM Thomas Luther ng Germany, GM Wong Meng Kong ng Singapore, GM Tahir Vakhidov ng Uzbekis­tan at GM Nguyen Ang Dung ng Vietnam sa anim na araw na torneo.

Show comments