^

PSN Palaro

Milo Manila elims uukit ng kasaysayan ngayon

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Gagawa ng kasaysa­yan ang 36th National Milo Marathon dahil tinata­yang nasa 38,000 ang mga runners na sasali sa patakbo ngayong umaga na gagawin sa Mall of Asia.

Sa ganap na alas-4 ng umaga ay nasa 2,000 runners na ang magtitipun-tipon upang maghanda sa tagisan sa 42.195 kilometer marathon na siyang tampok na karera.

Bukas lamang ang patakbong ito sa mga Filipino runners kaya’t makakaasang lahat ay gagawin ang kanilang makakaya para manalo at bitbitin ang P50,000 unang gantimpala.

Karapatang makasali sa National Finals sa Dis­yembre 9 sa nasabi ring venue ang isa pang pabuya na makukuha ng mananalo sa kalalakihan at kababaihan.

Ang higit na nakarara­ming mananakbo ay kasali sa 21-k, 10-k, 5-k at 3-k distansya na ginagamit di lamang para masukat ang bilis ng isang kasali kundi para mapangalagaan din ang kanilang kalusugan.

Ang bilang ng mga tatakbo ang pinakamalaki sapul nang idinaos ang Milo Marathon noong 1974.

Maliban sa karera, magiging tampok na kaganapan din ngayon ay ang pagbibigay ng mga sapatos sa piling pampublikong paaralan na magagamit para magpatuloy sa pagtakbo ang napiling batang mag-aaral.

Ang mga paaralang mabibiyayaan ng ‘Help Give Shoes’ na nakatulong na ng 16,200 bata ay ang San Rafael National HS, Ramon HS School, Tibangan Ele­mentary School, Gen. M. Hizon Elementary School, Pasay Science High School atTatalon Elementary School .  

ELEMENTARY SCHOOL

HELP GIVE SHOES

HIZON ELEMENTARY SCHOOL

MALL OF ASIA

MILO MARATHON

NATIONAL FINALS

NATIONAL MILO MARATHON

PASAY SCIENCE HIGH SCHOOL

SAN RAFAEL NATIONAL

TIBANGAN ELE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with