Barriga handa na sasuntukan

 LONDON--Tinatawag siyang Pacquiao o Little Pacman ng kanyang mga kapwa Olympians at ka­ba­bayan habang nagsa­sa­nay sa Cardiff, Wales.

Nang bumiyahe si Barriga at ang kanyang coach na si Roel Velasco patu­ngong London, ipinagdasal siya ng kanyang mga kababayan na nagsabing sana ay makita nila si Barriga na lumaban kagaya ni Manny Pacquiao sa loob ng boxing ring sa 30th Olympic Games.

“Pacquiao o Little Pac­­man  ang tawag sa akin,’” wika ni Barriga, pinaliit ng mga foreign players na kanyang nakakasabay sa dining hall kung saan siya nag-almusal kasama sina Velasco at amateur boxing official Ed Picson noong Miyerkules matapos ang isang workout.

Sinabi nina Velasco at Picson na napalapit si Bar­riga, lalahok sa light fly­weight division, sa mga Cardiff-based Filipinos at kapwa niya mga boksi-ngero sa isang 19-day trai­ning sa Wales dahilan sa kanyang istilo, sigla at tiyaga sa pagsasanay.

“Siya yung pinapanood ng mga fans and other boxers,’’ wika ni Picson kay Barriga na nakakuha ng leksyon sa kanyang mga sparring sa mga boksi­ngero ng Cameroon, Ghana, Mozambique, Trinidad-Tobago at Honduras.

“It’s a good experience. I can say he’s  ready for this Olympics,’’ sabi pa ni Picson sa tubong Panabo City, Davao del Norte.

Nakapasok ang 19-an­yos na si Barriga  sa Olympics matapos magkampeon ang Chinese boxer na bumigo sa kanya sa quarterfinal round ng world championship qualifier.

Ang tumalo sa kanya ay si defending Olympic titlist Zhou Zhiming na umiskor ng 12-5 kontra kay Barriga.

Mula nang pumasok sa Athletes Village noong Martes ng umaga ay hindi na­ging problema kay Barriga, isa sa dalawang miyembro ng Phl squad na binigyan ng pag-asang manalo ng me­dalya, ang kanyang tim­bang.

“Walang problema sa timbang. Under weight nga kung minsan,” ani Velasco, sumuntok ng bronze medal sa light fly division sa 1992 Barcelona Games.  

Show comments