^

PSN Palaro

Hidilyn 'di na takot sa laban

- The Philippine Star

LONDON--Nakangiti si weighlifter Hidilyn Diaz habang papunta sa dining hall na tila handa nang harapin ang malaking ha­mon sa kanyang pa­nga­lawang pag­lahok sa Olympic Games.

Kasamang nagtanghalian si coach Tony Agustin at dalawang opisyales ng Team Philippines, ikinuwento ni Diaz ang kanyang eksperyensa sa libreng three-week-training camp bago ang 30th Olympic Ga­mes.

Ayon kay Diaz, ang trai­ning camp ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong masanay sa klima ng London.

“Adjusted na po ako nga­yon. Maganda na fee­ling at bumalik na ang lakas ko,” wika ni Diaz habang nakikinig sina Agustin, chief of mission Manny Lopez at administrative officer Ar­senic Lacson.

“Imagine kung ngayon ka lang darating. Mahihira­pan ka sa klase ng wea­ther,” dagdag pa ni Diaz, su­mabak sa 2008 Beijing Games sa edad na 17-anyos.

Isa nang 21-anyos, wala nang kinatatakutan si Diaz sa labanan.

“Okay lang. Anong ma­lay natin. Sa tagal ko na po naglalaro, hindi na ako takot sa laban,” wika ni Diaz.

Sobra ng isang kilo si Diaz, magiging kauna-unahang babaeng flag-bearer ng bansa para sa opening ceremonies sa Biyernes, na ayon kay Agustin ay hindi naman problema.

“Madali lang tanggalin yun. No problem. Matagal pa naman ang competition niya,” sabi ni Agustin, isang many-time national player at nasa pang siyam na taon bilang coach ni Diaz.

AGUSTIN

BEIJING GAMES

DIAZ

HIDILYN DIAZ

MANNY LOPEZ

OLYMPIC GA

OLYMPIC GAMES

SHY

TEAM PHILIPPINES

TONY AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with