^

PSN Palaro

Hoshina mas piniling katawanin ang Phl

- The Philippine Star

LONDON — Nasa dulo ng kanyang pagtakbo sa uma­ga sa Athletes Village, bu­magal si judoka Tomohi­ko Hoshina para kumaway at ngumiti sa isang grupo ng Japanese athletes na pa­tungo sa dining hall.

Ito rin ang ginawa ng Fi­lipino-Japanese athlete sa kanyang bawat nasasalu­bong sa kanyang 40-minu­te jog na nagpasaya sa kan­yang mga kakampi sa Phi­lippine Team para sa 30th Olympic Games dito.

Si Hoshina ay palakaibigan at madaling lapitan.

At tapat rin siyang sabihin kung bakit niya suot ang Philippine uniform sa kan­yang unang paglahok sa Olympic Games.         

Sinabi ng 25-na si Ho­shina na mas pinili niyang ka­tawanin ang Pilipinas sa mga qualifiers para sa London Games kesa sa Japan kung saan mas maraming ma­gagaling sa kanya.

“Small chance in Japan,” sambit ni Hoshina. “ There in the Philippines easy.”

Walang problema kung alin­man sa Pilipinas at Japan ang katawanin ni Hoshina sa Olympics at maging sa iba pang international tour­naments dahil taglay ni­ya ang dual citizenship.

Ang kanyang inang si Vil­ma Aldaba ay tubong Ma­lolos, Bulacan at nagtatra­baho sa American base sa Ja­pan at ikinasal sa isang Ja­­panese serviceman na na­­matay nang si Hoshina ay 13-anyos pa lamang.

ALDABA

ATHLETES VILLAGE

BULACAN

HOSHINA

LONDON GAMES

OLYMPIC GAMES

PILIPINAS

SHY

SI HOSHINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with