^

PSN Palaro

Stags binigo ang Pirates

- Angeline Tan - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagtrabaho nang husto ang tatlong pambato ng San Sebastian para kunin ang 87-79 panalo sa Lyceum sa pagpapatuloy ng 88th NCAA men’s basketball tour­nament ka­gabi sa The Are­na sa San Juan City.

Kumawala ng season-high 32 puntos mula sa 8-of-21 shooting sa tres pero hindi nagpahuli sina Calvin Abueva at Ian Sangalang na gumawa rin ng malaking kontribusyon para maiiwas ang tropa ni coach Topex Robinson sa upset.

Si Pascual ay nagpaka­wala ng tatlong sunod na tres matapos angkinin ng Pirates ang 73-69 kalamangan sa huling anim na minuto bago si Abueva ay nagpasok ng apat na free­throws sa sumunod na mga tagpo tungo sa pagbigay sa Stags ng kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos ang limang laro.

Ang 6-foot-4 na si Abu­eva ay kumulekta ng kanyang ikalawang triple-double sa taon na 16 puntos, 23 rebounds at 10 assists bukod pa sa apat na blocks at 1 steal, habang ang 6’6 na si Sangalang ay mayroong 20 puntos at 16 rebounds, 10 rito ay sa offensive glass.

“Expected namin na bi­­bigyan nila kami ng matin­ding laban dahil gusto nilang bu­mawi matapos matalo sa hu­ling laro. Napahinga rin kami ng 10 araw at late kami naka-pick-up sa laro. Pero hindi mangyayari ito kung hindi naging masama ang aming freethrow shooting,” wika ni Robinson.

Binigyan ang Stags ng 48 freethrows pero 25 lamang ang kanilang naipasok. Ngunit nabalewala ito dahil sa mga pamatay na tres ni Pascual kahit marami siyang ipinukol.

ABUEVA

BINIGYAN

CALVIN ABUEVA

IAN SANGALANG

KUMAWALA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

SI PASCUAL

TOPEX ROBINSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with