2 team ng PHL handa na sa World Series

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Muntinlupa Big League (16-18) ang laban ng Pilipinas sa World Series sa pagdayo sa Easley South California mula Hulyo 25 hanggang Agosto 1.

Ang koponan ay pina­ngu­ngunahan ni team manager Atty. Felipe Remollo at minamanduhan ni Ric Jimenez at ito lamang ang team na kakatawan sa bansa sa baseball.

May dalawa pang teams ang tutulak sa hiwalay na World Softball Series at ito ay ang Team Manila at International Little League of Manila (ILLAM).

Lalaban ang Manila sa Big League sa Kalamazoo, Michigan mula Agosto 2 hanggang 8 habang ang ILLAM ang makikipagtuos sa Portland, Oregon para sa Little League World Series (11-12) mula Agosto 9 hanggang 15.

Si Manila Councilor Che Borromeo at coach Ana San­tiago ang mangunguna sa Team Manila na hanap ang kauna-unahang World title matapos pumangatlo noong 2008, 2010 at 2011.

Si Randy Dizer naman ang coach ng ILLAM na pinangungunahan ng pa­ngulo ng asosasyon na si Norman Macasaet na ka­kampanya sa tampok na palaro sa World Series.

Show comments