^

PSN Palaro

Solong liderato asam ng Altas vs Heavy Bombers

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Masolo ang liderato sa 88th NCAA men’s basketball ang balak ng nanggugulat na University of Perpetual Hel System Dalta sa pagbangga ngayon laban sa Jose Rizal University sa The Arena sa San Juan City.

Ikalawang laro dakong alas-6 ng gabi matutung­hayan ang sagupaan ng dalawang koponan na kabilang sa apat na koponang may winning records.

Ang isa pang humahataw na San Sebastian ay makikipagtagisan sa nasa ibabang Lyceum na siyang unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon.

Magkasalo ngayon ang Altas at San Beda sa 4-1 baraha kaya kung mana­nalo pa ang tropa ni coach Aric del Rosario ay lalawig pa ang pinakamagandang simula ng koponan sa liga sapul noong 2004.

Sariwa ang Altas sa 84-64 panalo sa St. Benil­de noong nakaraang Huwebes lalong pagtibayin ang pagiging title contender ng koponan sa taong ito.

“Sinabi ko lamang sa kanila na sikaping samantalahin ang pagkakataong ibinibigay sa kanila. Hindi ko naman inasahan na ganito ang mangyayari sa amin dahil nilampaso kami sa pre-season,” wika ni Del Rosario.

Ikaapat na dikit na panalo naman ang nakataya sa Stags sa pagsukat sa husay ng Lyceum sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.

vuukle comment

ALTAS

ARIC

DEL ROSARIO

HUWEBES

JOSE RIZAL UNIVERSITY

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

ST. BENIL

UNIVERSITY OF PERPETUAL HEL SYSTEM DALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with