^

PSN Palaro

Mas maaksyon na NBA 3 on 3 kasado na

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Muling gagawin sa SM Mall of Asia Music Hall at SM By the Bay ang NBA 3X Philippines 2012 na handog ng Sprite.

Ang torneo ay isang 3 on 3 event na gagawin mula Agosto 17 hanggang 19 at inorganisa ng Natio-nal Bas­ket­ball Association (NBA).

Ito ang ikalawang edis­yon ng kompetisyon at idinaos ang aksyon noong nakaraang taon sa nasa­bing venue at dinagsa ito ng mga mahihilig sa basketball.

Ang tagisan sa 3 on 3 ay bukas para sa mga 10-18 anyos sa kalalakihan, 13-17 sa kababaihan at open sa kalalakihan at ka­ba­­baihan.

Bukod sa laro 3-on-3, magdaraos din ng Slam Dunk at Skills Challenge na handog ng Sprite at KFC Bucket 3-point shootout.

May idaraos ding mga clinics at community event na pangungunahan ng isang NBA player na sa ngayon ay hindi pa pina­nga­ngalanan.

Isasabay din dito ang Sprite Uncontainable Game na kung saan ang mga man­lalaro ng dalawang Philippine finalists ay masa­sama sa global pool na kung saan pipili ng manla­laro sina NBA MVP Lebron James at Kobe Bryant para kumatawan sa Team Sudden at Team Intense.

Ang dalawang koponan na sasamahan ng tig-anim na NBA players ay magla­laro sa NBA All Star 2013 sa Houston, Texas.

vuukle comment

ALL STAR

BY THE BAY

KOBE BRYANT

LEBRON JAMES

MALL OF ASIA MUSIC HALL

SHY

SKILLS CHALLENGE

SLAM DUNK

SPRITE UNCONTAINABLE GAME

TEAM INTENSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with