^

PSN Palaro

Lions magpipilit bumangon vs Blazers

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sisikapin ngayon ng San Beda na maibalik ang kanilang winning form sa pagbangga sa St. Benilde sa pagpapatuloy ng aksyon sa 88th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay masisila­yan sa ganap na alas-4 ng hapon at ang Red Lions ay papasok sa labanan mula sa masakit na 87-88 pagkatalo sa kamay ng Perpetual Help noong Hulyo 12.

Nasayang ang milagro­song buzzer-beat sa halfcourt ni Baser Amer na nagtabla sa score sa regulation, 72-72, nang hindi napigilan sina Jet Vidal at Earl Thompson upang lasa­pin ang unang pagkatalo matapos ang dalawang dikit na panalo.

Dahil sa pangyayari, ina­asahang totodo uli ang laro ng tropa ni coach Ron-nie Magsanoc at hindi pa­pa­pormahin ang Bla­zers na sa ngayon ay may pantay na 2-2 karta.

Ang ikalawang laro sa dakong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Mapua Cardinals at Letran Knights na parehong nangangaila­ngan ng panalo upang gu­manda ang puwesto sa standings.

May tatlong sunod na pagkatalo ang tropa ni coach Louie Alas at sila ang mas nangangailangan ng tagumpay at lalakas ang kanilang tsansa sa pagbabalik ni Jam Cortes mula sa isang larong suspensyon.

Ngunit hindi basta-basta padadaig ang Cardinals na posibleng kakitaan ng paglalaro ng apat nilang roo­kies sa pangunguna ni Gabriel Banal.

Isang Mancom meeting ang gagawin sa ganap na alas-10 ng umaga upang pag-aralan ang bagong dokumento na isinumite ng Cardinals para kina Banal, Joseph Eriobu, Mark Brana at Jessie Saitanan.

Kailangang mapatuna­yan na nakapasa ang mga ito sa huling semester para ma­kalaro sa gabing ito.

BASER AMER

EARL THOMPSON

GABRIEL BANAL

ISANG MANCOM

JAM CORTES

JESSIE SAITANAN

JET VIDAL

JOSEPH ERIOBU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with