B-Meg sa playoff

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsikwat sa isang finals playoff berth, tinapos ng Llamados ang four-game winning streak ng Gin Kings.

Sinandigan ang mala­laking sina Marc Pingris, Rafi Reavies, Yancy De Ocampo at import Marcus Blakely, giniba ng B-Meg ang Barangay Ginebra, 82-70, sa carryover semifinal round ng 2012 PBA Go­vernors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

“Gusto talaga naming pumasok sa Finals,” sabi ng 6-foot-5 na si Pingris, humakot ng 24 points at 13 rebounds para sa Llamados. “Sa talo namin sa Meralco (101-104), hindi kami 100 percent. So nga­yon ipinakita namin ‘yung laro namin talaga.”

May 9-4 baraha ngayon ang B-Meg sa ilalim ng Rain or Shine (9-2) kasunod ang Ginebra (8-5), Talk ‘N Text (7-5) at mga sibak nang Petron (6-8) at Meralco (5-8).

Matapos ilista ng Llamados ang isang 17-point lead, 74-57, sa 5:35 ng fourth quarter, isang 11-2 atake naman ang ginawa ng Gin Kings para ilapit ang laro sa 68-76 sa likod nina import Cedrick Bozeman at Jayjay Helterbrand sa 2:56 nito.

Isang split at slam dunk ni Blakely ang mu­ling naglayo sa B-Meg sa Ginebra, nakahugot ng 3 points kay Mark Caguioa mula sa kanyang 0-of-12 fieldgoal shooting, sa 79-68 kasunod ang isang three-point shot ni two-time PBA MVP James Yap sa natitirang 48.5 segundo para sa kanilang 82-68 abante. 

Sa unang laro, isang acrobatic layup naman ang isinalpak ni import Mario West sa natitirang 1.6 segundo para itakas ang Bolts laban sa Boosters, 113-112, sa ‘no bearing game’.

Nagtala si West na may 41 points, 8 rebounds at 4 assists para sa ikalawang sunod na panalo ng talsik nang Bolts sa semis, habang nagdagdag ng 26 markers si Mac Cardona, 19 si Sol Mercado at tig-10 sina Asi Taulava at Chris Ross

Meralco 113 - West 41, Cardona 26, Mercado 19, Ross 10, Taulava 10, Macapagal 5, Reyes 2, Timberlake 0.

Petron 112 - Cabagnot 29, Lutz 22, Santos 16, Faison 15, Washington 11, Peña 6, Yeo 5, Hontiveros 4, Baclao 2, Duncil 2, Lanete 0.

Quarterscores: 29-24; 56-46; 88-79; 113-112.

B-Meg 82 - Pingris 24, Blakely 17, Yap 11, Reavis 11, Urbiztondo 9, Simon 4, De Ocampo 4, Villanueva 2, Barroca 0.

Ginebra 70 - Bozeman 22, Helterbrand 16, Raymundo 14, Mamaril 4, Cortez 4, Caguioa 3, Maierhofer 2, W. Wilson 2, Hatfield 2, Villanueva 1, Maliksi 0, Ababou 0, Canaleta 0, Menk 0.

Quarterscores: 19-16; 32-25; 62-51; 82-70.

Show comments