Pinoy martial arts handa na sa laban vs Cruz

MANILA, Philippines - Alam na ni Filipino figh­ter Crisanto ‘The Slugger’ Pitpitunge ang kanyang gagawin sa oras ng kanilang paghaharap ni bantamweight champion Justin ‘The Shocker’ Cruz ng Guam bukas sa Pacific X-treme Combat (PXC) 31 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“Kailangan ko talaga siyang paghandaan kung sa ground niya gustong lumaban o standing,” wika kahapon ng 25-anyos na pambato ng Team Lakay mula sa Baguio City sa kan­yang paghahamon kay Cruz. “Basta ako ready ako sa anumang laban na ipapakita niya.”

Pangarap ni Pitpitunge, may malinis na 3-0 win-loss record sa mixed martial arts, na maging ikalawang PXC Filipino champion matapos si Ale Cali ng Davao.

Dala naman ni Cruz ang kanyang 21-4 card, kasama na rito ang dalawang panalo laban sa kakampi ni Pitpitunge sa Team Lakay.

Tampok rin sa nasabing five-round match event ang laban ng mga MMA figh­ters mula sa United States, Guam at Hawaii.

Show comments