Lin sa Knicks pa rin
LAS VEGAS--Mananatili si Jeremy Lin sa New York bilang starting point guard ng Knicks.
Ito ang inulit ni coach Mike Woodson para sa muling pagbabalik ni Lin sa Knicks sa susunod na season at papasok sa kanilang training camp bilang starter.
Ito ay kahit na nakuha ng New York si veteran Jason Kidd.
Pumayag si Lin na pirmahan ang offer sheet ng Houston Rockets para sa $28 milyon sa loob ng apat na taon.
Sinabi naman ng Knicks na matagal na nilang plano na tapatan ang anumang offer sheet para sa kanilang restricted free agent na si Lin.
Sa San Antonio, inihayag ng San Antonio Spurs na muli nilang pinapirma si Tim Duncan para sa kanyang pang-16th season.
Ang 36-anyos na si Duncan ay sinasabing papaloob sa isang three-year, $36 million deal.
Ang first overall pick sa 1997 draft na si Duncan na naglaro ng 15 seasons ang umakay sa Spurs sa siyam na division titles at taunang playoff seat.
Si Duncan ay may dalawang league MVP awards bukod pa sa tatlo niyang NBA Finals MVP honors.
Sa Dallas, Inihayag ni Chris Kaman na nakipagkasundo na siya sa Dallas Mavericks.
Ito ang sinabi ng seven-foot center, naglaro sa New Orleans noong nakaraang season, sa kanyang Twitter account ukol sa kanyang paglipat sa Dallas para makasama si Dirk Nowitizki, ang kanyang kaibigan at kakampi sa German national team sa 2008 Beijing Olympics.
- Latest
- Trending