MANILA, Philippines - Muling dinala ni Konsehal Julian Coseteng ng ikatlong distrito ng Quezon City ang Barangay AKTV, ang grassroots program ng sports news portal ng TV5 kasama ang PBA, sa mga barangay noong Hulyo 9.
Tumayong coach sina PBA cagers Celino Cruz at Leo Najorda ng Barako Bull, RJ Jazul ng Alaska, Khazim Mirza, JR Aquino at Bitoy Omolon ng Air21 at Lou Gatumbato sa mga kabataan ng QC sa Barangay Loyola Heights.
Sinuportahan si Konsehal Coseteng nina Kagawad Camille Ybanez, Emong Dizon, Renz Murao, at Don Don Hayes.
Inimbita ni Coseteng ang Barangay AKTV bilang bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran ng kabataan sa lungsod na kanyang prayoridad.
Regular na nagsasagawa ng libreng basketball clinic ang Barangay AKTV sa iba’t ibang barangay sa QC.
Naniniwala si Coseteng, Assistant Majority Floor Leader ng konseho ng QC, na malayo ang mararating ng mga kabataan ng QC at misyon niya na ilabas ang pinakamahusay sa kanila para sa lalong ikauunlad ng lungsod.