^

PSN Palaro

AKTV, PBA dinala ni Coseteng sa QC

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Muling dinala ni Konse­hal Julian Coseteng ng ikat­long distrito ng Quezon City ang Barangay AKTV, ang grassroots program ng sports news portal ng TV5 kasama ang PBA, sa mga barangay noong Hulyo 9.

Tumayong coach sina PBA cagers Celino Cruz at Leo Najorda ng Barako Bull, RJ Jazul ng Alaska, Khazim Mirza, JR Aquino at Bitoy Omolon ng Air21 at Lou Gatumbato sa mga kabataan ng QC sa Barangay Loyola Heights.

Sinuportahan si Konsehal Coseteng nina Kagawad Camille Ybanez, Emong Dizon, Renz Murao, at Don Don Hayes.

Inimbita ni Coseteng ang Barangay AKTV bilang bahagi ng kanyang progra­ma para sa kaunlaran ng kabataan sa lungsod na kanyang prayoridad.

Regular na nagsasagawa ng libreng basketball clinic ang Barangay AKTV sa iba’t ibang barangay sa QC.

Naniniwala si Cose­teng, Assistant Majority Floor Leader ng konseho ng QC, na malayo ang mararating ng mga kabataan ng QC at misyon niya na ilabas ang pinakamahusay sa kanila para sa lalong ikauunlad ng lungsod.

ASSISTANT MAJORITY FLOOR LEADER

BARAKO BULL

BARANGAY LOYOLA HEIGHTS

BITOY OMOLON

CELINO CRUZ

DON DON HAYES

EMONG DIZON

JULIAN COSETENG

KAGAWAD CAMILLE YBANEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with