^

PSN Palaro

Pacquiao dapat unahin ang rematch kay Bradley

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kapwa sinabi nina trainer Freddie Roach at Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera na ang rematch kay Timothy Bradley, Jr. sa Nobyembre 10 ang dapat unahin ni Manny Pacquiao kesa ang kanilang pang- apat na banggaan ni Mexican Juan Manuel Marquez.

Sinabi ni Roach na hindi na kakagatin ng mga boxing fans ang pang apat na laban nina Pacquiao at Marquez.

“I think every time they fight each other, it’s less entertaining, they know each other so well,” wika ni Roach sa nakaraang tatlong beses na paghaharap nina Pacquiao at Marquez.“Three times is enough for me.”

Tinalo ni Pacquiao si Marquez sa kanilang ‘trilogy’ sa pamamagitan ng isang kontrobersyal na majority decision sa kanilang ikatlong laban noong Nobyembre 12, 2011.

“No, no. I think Pacquiao won the fight. Marquez didn’t throw many punches. He did what was necessary to win the fight,” ani Barrera, huling lumaban noong Pebrero 12, 2011 kung saan niya tinalo si Jose Arias via 2nd-round TKO sa isang 10-round, non-title fight.

Binigo ni Pacquiao si Barrera via 11th-round TKO noong Nobyembre 15, 2003 at mula sa isang unanimous decision sa kanilang rematch noong Oktubre 6, 2007.

“The fight for Manny Pacquiao is the rematch,” dagdag pa ng 38-anyos na si Barrera, nagdadala ng 67-7-0 win-loss-draw ring record kasama ang 44 KOs, para sa ikalawang pagkikita nina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Bradley (29-0-0, 12 KOs).

Isang kontrobersyal na split decision loss ang nalasap ng 33-anyos na Filipino world eight-division titlist sa mga kamay ng 28-anyos na si Bradley noong Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Suot ngayon ni Bradley ang dating hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown ni Pacquiao.  

BRADLEY

FREDDIE ROACH

JOSE ARIAS

LAS VEGAS

MARCO ANTONIO BARRERA

MARQUEZ

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

NOBYEMBRE

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with