^

PSN Palaro

Jaworski naging emosyonal sa jersey retirement

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa harap ng kanyang libu-libong tagahanga na sumugod sa Smart-Araneta Coliseum, pinasa­lamatan ni Robert Jaworski, Sr. ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay at basketball career mula sa college league hanggang sa professional rank.

Pormal na iniretiro ka­hapon ng Philippine Bas­ketball Association (PBA) ang No. 7 jersey ng 66-anyos na si Jaworski, ang 1978 Most Valuable Player awardee.

“Nawala 'yung pagka-macho ko sa inyo dahil naiiyak ako,” pambungad ni Jaworski nang ipakilala para sa pagreretiro ng kanyang jersey number.

Bukod sa kanyang pa­milya, sumaksi rin sa jersey retirement ni Jaworski ang mga dating Ginebra pla­yers na sina Bal David, Marlou Aquino, Noli Locsin, Leo Isaac, Vince Hizon, Pido Jarencio, Sonny Cabatu, Romy Mamaril at Wilmer Ong at dating coach sa Toyota na si Dante Silverio.

“Defeat or failure must be laid temporary. Kahit na po barbero ka, kahit mekaniko ka o kahit ano ka pa man,” ani Jaworski. “Once again, you have to dare to fail but commit to reaching the goal and sooner or later you will make it. Iyan po ang tinatawag na never say die, never.”

Ayon sa tinaguriang 'The Living Legend', hindi niya ikinukunsidera ang pagreretiro ng kanyang jersey number bilang pagwawakas ng kanyang basketball career.

Sa kanyang 23-year pro career, si Jaworski ay hinirang na PBA Most Valua­ble Player noong 19­78, naging miyembro ng PBA 25 Greatest Players of All Time, isang six-time First Mythical Team member at two-time Second Mythical team member.

Sa taon kung kailan siya kinilala bilang PBA MVP, nagtala si Jaworski ng mga averages na 20 points, 12 rebounds at 8.8 assists per game para igiya ang Toyota sa dalawang korona.

Tinanghal rin si 'Jawo' bilang two-time PBA Defensive Player of the Year at four-time PBA All-Star.

Ang huling pagkakataon na nakita si Jaworski na naglaro ay noong Mayo 30, 2003 kung saan naglaban ang magkaribal na Toyota at Crispa sa isang reunion game sa Big Dome.

BAL DAVID

BIG DOME

DANTE SILVERIO

DEFENSIVE PLAYER OF THE YEAR

FIRST MYTHICAL TEAM

GREATEST PLAYERS OF ALL TIME

JAWORSKI

KANYANG

LEO ISAAC

LIVING LEGEND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with