Painters lalapit sa finals vs Boosters

MANILA, Philippines - Ang paglapit sa inaasam na kauna-unahang finals appearance ang layunin ng Elasto Painters para sa pagsisimula ng carry-over semifinal round ng 2012 PBA Governors Cup.

Lalabanan ng Rain or Shine ang nagdedepen­sang Petron Blaze nga­yong alas-7:30 ng gabi ma­tapos ang salpukan ng Barangay Ginebra at Meralco sa alas-5:15 ng hapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Sinabi ni coach Yeng Guiao na dalawang panalo na lamang ang kailangan ng kanyang Elasto Painters papasok sa best-of-seven championship series.

 “We’re hoping that two wins can guarantee us a ticket to the finals,” wika ni Guiao. “We’re looking to win as many games as we can to toughen us up, to gain more experience, to reinforce our game and confidence in ourselves.”

Bitbit ng Rain or Shine sa semifinals ang kanilang 8-1 record kasunod ang B-Meg (6-3), Talk ‘N Text (5-4), Petron (5-4), Ginebra (5-4) at Meralco (4-5).

Inaasahang ipaparada ng Boosters si Marcus Faison kapalit ni Eddis Basden sa kanilang laban ng Elasto Painters na mu­ling ibabandera si Jamelle Cornley. 

Show comments