^

PSN Palaro

Barako humirit pa

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Binuhay pa ng Barako Bulls ang paghahabol para sa ikaanim at huling puwes­to na aabante sa semifinals nang itakas ang 81-79 panalo sa Meralco Bolts sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

May 22 puntos si Leroy Hickerson at ang kanyang split sa free throw line kulang isang segundo sa orasan ang nagsalba sa pagkawala ng 17 puntos na kalama­ngan sa huling yugto.

Ang panalo ay nagresulta upang magkaroon ng three-way tie sa 4-5 karta ang Bolts, Bulls at pahi­ngang Powerade Tigers para mangailangan ng dou­ble playoff upang madetermina ang huling koponan na aabante sa semis.

“Sayang we were up by 17 but we played not to lose and didn’t play to win. Fortunately for us (Dennis) Daa did not make that shot and we’re lucky getting this win,” wika ni coach Junel Baculi.

Kailangan ng Barako Bulls na manalo ng apat na puntos para mag-bye sa unang playoff sa Martes.

Sa nangyari, ang Bulls at Tigers ang unang magbabakbakan at ang mananalo ang makakaharap ng Bolts sa ikalawang playoffs.

May 16 puntos si Danny Seigle at ang kanyang jum­per ang nagbigay ng 77-60 kalamangan sa Bulls, may walong minuto sa orasan.

Ngunit gumawa ng siyam na puntos si Mark West at nakipagtulungan kay Daa nang pakawalan ang 19-3 bomba at ilapit ang Bolts sa isa, 80-79, 32 segundo sa laro.

Nagtala ng error ang Bulls sa sumunod na play para bumalik ang bola sa Bolts may 12.1 segundo.

Inatake ni West ang de­pensa bago nasipat ang libreng si Daa para sa 15-footer na sumablay.

Ang bola ay nakuha ni Hickerson at matapos ipa­sok ang unang buslo at isinablay ang pangalawa para sa panalo.

“We’ll review the tapes and see what we can do on Tuesday. We turned the ball over 23 times and we must lower that,” dagdag ni Baculi.

Si West ay tumapos taglay ang 40 puntos habang 15 ang ibinigay ni Taulava sa natalong koponan.

Barako 81--Hickerson 22, Seigle 16, Tubid 10, Kramer 8, Miller 7, Allado 7, Cruz 6, Salvacion 3, Najorda 2, Pennisi 0.

Meralco 79--West 40, Taulava 15, Cardona 8, Daa 5, Macapagal 5, Bulawan 2, Mercado 2, Hugnatan 2.

Quarters: 22-14, 41-39, 69-59, 81-79.

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULLS

DAA

DANNY SEIGLE

HICKERSON

JUNEL BACULI

LEROY HICKERSON

MARK WEST

MERALCO BOLTS

POWERADE TIGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with