^

PSN Palaro

Stags nasilat ang Blazers

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sumandal ang San Se­bastian College sa kanilang bersyon ng “Big Three” para talunin ang College of St. Benilde, 95-93, sa 88th NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humakot si 2011 Most Valuable Player Calvin Abueva ng 23 points at season-high 23 rebounds para sa unang panalo ng Stags, nanggaling sa 74-80 kabiguan sa Letran Knights sa pagbubukas ng torneo noong nakaraang linggo sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagdagdag naman sina Ronald Pascual at Ian Sangalang ng 19 at 17 points, ayon sa pagkaka­su­nod, para sa San Sebas­tian.

Nalampasan rin ng Stags ang ipinukol na season best 13 three-point shot ng Blazers.

“Whether its a blow out or a two-point victory, we don’t care as long as we win,” sabi ni San Sebastian coach Topex Robinson. “I have to give credit to my Big Three, who carried us through in this game.”

Ang 23 boards ni Abueva ay ang pinakamarami ngayong season matapos ang 25 ni Sangalang noong nakaraang taon.

Bumawi naman si Pascual matapos mabigong makaiskor sa loob ng 22 minuto sa kanyang unang paglalaro matapos ang isang torn ACL (anterior cruciate ligament) injury.

SSC-R 95- Abueva 23, Pas­cual 20, Sangalang 19, dela Cruz 16, Antipuesto 8, Rebullos 5, Juico 4, Vitug 0, Miranda 0, Maiquez 0

St. Benilde 93- Tolentino 20, Lastimosa 19, Taha 17, Romero 14, Sinco 10, Tan 5, Bartolo 2, Maconocido 2, Grey 2, Ongteco 2, Deles 0, Dela Paz 0

Quarterscores: 22-27; 46-53; 73-69; 95-93.

ABUEVA

BIG THREE

COLLEGE OF ST. BENILDE

DELA PAZ

IAN SANGALANG

LETRAN KNIGHTS

MOST VALUABLE PLAYER CALVIN ABUEVA

RONALD PASCUAL

SAN JUAN CITY

SAN SE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with