^

PSN Palaro

Ubos na ang Pinoy sa World 9-Ball

- ATan - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Kinapos si Antonio Ga­bica laban kay Lee He-wen ng China sa quarterfinals upang mamaalam na ang mga Filipino cue artist na nag­laro sa 2012 World 9-Ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha Qatar.

Tinalo ni Gabica, ang 2006 Asian Games gold medalist na nilaro sa Doha, si Yang Ching Sun ng Chinese, Taipei, 11-7, at Mika Im­monen ng Finland, 11-9, upang ikasa ang pagkikita nila ni Lee para sa puwesto sa semifinals.

Pero kinapos si Gabica na ngayon ay coach ng bil­yar sa nasabing bansa, nang hanggang 9-10 na pagdikit lamang ang pinakamagandang nagawa kay Lee.

Alternate break ang labanan at pinalad si Lee na mapunta sa kanya ang sargo sa 20th rack na kanyang naipanalo tungo sa 11-9 tagumpay.

Sina Efren “Bata” Re­yes, Dennis Orcollo, Lee Van Corteza at Jundel Mazon ay maagang nasibak sa knockout stage.

Talunan si Reyes ni Do­minic Jentsch ng Germany, 10-11, at si Corteza ay yumukod kay Immonen, 5-11, na parehong nilaro sa round of 32.

Pinalad na manalo sina Orcollo at Mazon sa se­cond round laban kina Hsu Kai Lun ng Taipei, 11-8, at Konstantin Stepanov ng Russia, 11-3.

Ngunit tinakasan sila ng suwerte sa round of 16 nang yumukod si Orcollo kay Nick van den Berg ng Netherlands, 6-11, at si Mazon ay umuwi sa kamay ni Ko Pin Yi ng Taipei, 9-11.

May $300,000 premyo ang isinahug sa labanan at si Gabica ay nagbulsa ng $8,000 habang sina Orcollo at Mazon ay nagbitbit ng $5,000. Sina Reyes at Corteza ay nakontento sa $3,500 premyo.

Bagong kampeon ang lalabas sa torneo matapos masibak ang nagdedepensang si Yukio Akagariyama ng Japan sa kamay ni Thorsten Hohmann ng Germany, 9-11, sa round of 32.

AL SADD SPORTS CLUB

ANTONIO GA

ASIAN GAMES

BALL CHAMPIONSHIP

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

DOHA QATAR

GABICA

MAZON

ORCOLLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with