Taya kay Pacquiao isinoli
MANILA, Philippines - Ibinalik ng online betting station sa Ireland na Paddy Power ang mga taya na inilagay kay boxing superstar Manny Pacquiao matapos ang kanyang kontrobersyal na split decision loss kay Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 sa Las Vegas.
Tinawag ng Paddy Power, ang pinakamalaking bookmaker sa Ireland at nangungunang online betting station sa United Kingdom, ang kabiguan ni Pacquiao kay Bradley bilang “result that stunned the world.’
Nagdessiyon ang Paddy Power na ibalik ang lahat ng taya kay Pacquiao, tumayong 5-1 favorite para talunin ang undefeated American at mapanatili ang kanyang WBO welterweight crown.
Bilang isang 5-1 favorite, kailangan mong tumaya ng $500 kay Pacquiao para manalo ng $100.
Natalo si Pacquiao sa harap ng halos 14,000 fans sa MGM Grand.
“With that Paddy Power has rolled out one of our famous Justice Payouts,” sabi ng Paddy Power sa kanilang blog report.
“If you had placed a bet on Manny to win in a pre-fight outright or on points, that money is now back in your account. We Hear You!” dagdag pa nito.
Maaaring hindi ito sundan ng mga betting stations sa United States, ngunit sa Ireland ay may betting station na ang panuntunan na “giving credit where credit is due.”
Ang Paddy Poker Sportsbook ay naiboto na bilang The Best Online Bookmaker ng The Racing Post.
Dalawang araw matapos ang laban ay isang lalaki na nagtatrabaho sa isang supermarket chain sa Los Angeles ang nagsabi na natalo siya ng $300 kay Pacquiao.
“But when I was paying up my cousin he wouldn’t take my money. He said he couldn’t take my money after a decision like that. He said it was unfair to me. It’s sad,” sabi ng lalaki.
Nagreklamo na si Filipino election lawyer Romulo Macalintal sa Nevada’s Attorney General (NAG) kaugnay sa naturang pagkatalo ni Pacquiao.
Sinabi ni Macalintal na siya mismo ang gumawa ng aksyon.
“I am glad that you made this letter with the clarification that your intention is not to change the results of the fight but merely to protect the rights and interests of the viewing public and boxing in general,” ni Pacquiao kay Macalintal.
- Latest
- Trending