^

PSN Palaro

St. Benilde giniba ang Lyceum

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Binalikat ni Carlo Lasti­mosa ang College of St. Be­nilde upang angkinin ang 70-61 panalo kontra sa Lyceum of the Philippines sa 88th NCAA men’s bas­ketball kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Nagwala ang skipper ng Blazers sa huling yugto nang ibagsak ang 10 sa 14 naitalang puntos para pa­ngunahan ang pamatay na atake na nagbangon sa tropa ni coach Richard Del Rosario mula sa 51-57 iskor may 8:29 sa orasan.

Mula rito ay nagpasabog ang Blazers ng 14-0 bomba at si Lastimosa ay may anim na puntos mula sa turnovers ng Pirates pa­­ra sa 65-57 abante nila.

Ang panalo ay naglagay sa St. Benilde kasalo ang Letran, San Beda at Jo­se Rizal University sa li­derato tangan ang 1-0 ba­raha, habang may 0-1 kar­ta ang Lyceum ka­gaya ng San Sebastian, Ma­pua at Arellano.

Naunang nagdomina ang Blazers at hinawakan ang 33-31 bentahe sa halftime pero gumana ang sho­oters ng Pirates sa pa­mumuno ni Ryan Cayab­yab para ibigay sa tropa ni coach Bonnie Tan ang 46-40 bentahe.

Nagtulung-tulong sina Jo­nathan Grey at Juan Ta­ha sa 9-2 palitan upang agawin muli ang liderato, 49-48, pero tinapos ng Pi­rates ang ikatlong yugto mula sa limang freethrows patungo sa 53-49 bentahe.

Apat na puntos mula kay Shane Ko ang naglayo sa Pirates sa 57-51, pe­ro nan­lamig ang Lyceum, ha­bang pinagningas ni Las­timosa, may 6 rebounds at 6 assists, ang Blazers patungo sa malakas na pag­tatapos.  

vuukle comment

BONNIE TAN

CARLO LASTI

COLLEGE OF ST. BE

JUAN TA

LYCEUM OF THE PHILIPPINES

RICHARD DEL ROSARIO

RIZAL UNIVERSITY

RYAN CAYAB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with