MANILA, Philippines - Mula sa isang ankle surgery na nagpaupo sa kanya sa una niyang apat na laro, dalawang beses nagbida si Jayson Castro para sa Talk ‘N Text sa elimination round ng 2012 PBA Governors Cup.
Kaya naman siya hinirang na Accel-PBA Player of the Week.
“He’s playing without the pain that’s hampered him the last three conferences and it shows,” sabi ni Tropang Texters coach Chot Reyes kay Castro na tinaguriang “The Blur.”
Sa panalo ng Talk ‘N Text laban sa Barako Bull at Barangay Ginebra, nagtala ang playmaker ng mga averages na 20.5 points at 3.5 assists.
Kasalukuyang tangan ng semifinalist nang Rain or Shine ang 7-1 record kasunod ang semifinalist ring B–Meg (5-2), Talk ‘N Text (4-3), Meralco (4-4), Barangay Ginebra (4-4), nagdedepensang Petron Blaze (4-4), Powerade (4-4), Barako Bull (3-4), Air21 (2-5) at Alaska (1-7).
“Obviously, his return has played a big part in our resurgence,” dagdag pa ni Reyes sa produkto ng Philippine Christian University.
Sa 109-89 panalo ng Tropang Texters sa Energy noong nakaraang Miyerkules, nagtala ang 2008 No. 3 pick overall pick ng team-high 23 points.
Humugot naman si Castro ng siyam sa kanyang 18 markers sa fourth quarter sa 113-111 pagtakas nila sa Gin Kings noong Linggo.