Bolts kinuryente ang Tigers

MANILA, Philippines - Isang 12-3 ratsada sa fourth quarter ang ginawa ng Bolts para makuha ang ka­nilang ikalawang sunod na panalo at palakasin ang tsansa nila sa isang tiket sa se­mifinal round.

Tinalo ng Meralco ang Po­werade, 91-78, para ma­­kasalo sa pang apat na po­sisyon sa elimination round ng 2012 PBA Go­ver­nors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

“It’s a great win for us. We still need to play great bas­­ketball on Sunday,” sa­bi ni head coach Ryan Gre­gorio sa kanyang Bolts.

Itinaas ng Meralco ang ka­nilang kartada sa 4-4 ka­tabla ang nagdedepensang Petron Blaze (4-4) at Po­werade (4-4) sa ilalim ng se­mifinalist nang Rain or Shi­ne (7-1), B–Meg (5-2) at Barangay Ginebra (4-3) ka­sunod ang Talk ‘N Text (3-3), Barako Bull (3-4), Air21 (2-5) at Alaska (1-7).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Gin Kings at Tro­pang Texters habang isi­nusulat ito.

Anim na koponan ang pa­pasok sa semis, nauna na ang Elasto Painters at ang Llamados, at ang apat ay masisibak.

Mula sa 68-66 lamang sa third period ay pinalaki ng Bolts ang kanilang kalamangan sa Tigers sa 80-69 buhat sa pinakawalang 12-3 atake sa 6:23 ng final canto.

Ipinoste ng Meralco ang isang 15-point lead, 86-71, sa huling 3:27 nito mula sa basket ni Mac Cardona.

“It’s a very encoura­ging sign and with the way that other teams are falling down, our destiny is still in our hands,” ani Gregorio.

Meralco 91 - West 29, Mercado 15, Cardona 15, Hugnatan 14, Taulava 7, Bulawan 6, Macapagal 3, Ross 2, Reyes 0.

Powerade 78 - Sneed 23, David 20, Guevarra 12, Casio 6, Al-Hussaini 4, Belasco 4, Anthony 3, Lingganay 2, Salvador 2, Adducul 2, Vanlandingham 0, Tugade 0.

Quarterscores: 21-24; 43-42; 68-66; 91-78.

Show comments