^

PSN Palaro

Warriors humirit ng Game 3 sa San Miguel

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng Indonesia Warriors na maulit pa ang selebrasyon ng isang koponan mula sa Pilipinas sa kanilang homecourt nang durugin ang San Miguel Beermen, 81-61, at itabla ang 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) best of three finals sa 1-1 kagabi sa Mahaka Square, Jakarta, Indonesia.

Ipinakita ng Warriors na desidido silang mapanalunan ang kauna-unahang titulo sa ABL nang dominahin ng starters at bench players ng koponan ang katapat sa bisitang koponan tungo sa dominanteng panalo.

Si Evan Brock ang na­­nguna sa Warriors sa kan­yang 26 puntos at 16 rebounds habang ang iba pang inaasahan na sina Stanley Pringle at Steve Thomas ay may 13 at 12 puntos. Si Thomas ay hu­mablot din ng 10 rebounds para hawakan ng host ang rebounding, 37-21, tungo sa 13-4 second chance points agwat.

Pero ang nakatulong ng malaki sa panalo ay ang suporta ng bench players sa pangunguna ni Jerick Canada na may siyam na puntos para bigyan ng 24-16 bentahe ang Warriors laban sa Beermen.

Ang tres nina Canada at Rony Gunawan ay nakatulong para ilayo ang Warriors sa 40-28 sa second period habang ang tres ng reserve na si Amin Prihantono ang nagpasiklab sa 12-2 bom­ba tungo sa paglaki ng kala­ma­ngan sa 21, 64-43, sa ikatlong yugto.

Sa unang season ng liga noong 2009 ay napasok din sa finals ang Indonesia at hinarap ang Philippine Patriots na winalis ang best of five finals at ang huling laro ay nangyari sa nasabing venue.

Si Nick Crews ay may 16 puntos habang si Nick Fazekas ay may 10 lamang. 

Ang Game 3 ay babalik sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Hunyo 30.  

AMIN PRIHANTONO

ANG GAME

BASKETBALL LEAGUE

INDONESIA WARRIORS

JERICK CANADA

MAHAKA SQUARE

NICK FAZEKAS

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

RONY GUNAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with