^

PSN Palaro

Department of sports, isinusulong ni Trillanes

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sisigla lamang ang an­tas ng palakasan sa bansa kung maisasabatas ang Senate Bill 3092 na nagsususog sa pagtatag ng Department of Sports.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV na siyang chairman ng Senate Committee for Sports, magka­karoon ng ngipin ang Department of Sports dahil lalagyan ito ng taunang pondo mula sa gobyerno at ang mauupo rito ay isang Cabinet secretary.

Sa ngayon, ang Philippine Sports Commission (PSC) na itinatag noong 1992 sa panunungkulan ng nasirang Pangulong Corazon Aquino, ang siyang nangangasiwa sa pagsuporta sa palakasan ng bansa.

Ngunit ang nakaupong chairman ay may ranggo lamang katulad ng isang undersecretary at gumagana ang ahensya ng walang katiyakang pondo sa pa­ma­lahaan at umaasa sa buwanang ayuda mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).

Dahil walang katiya­kan ang perang pagku­ku­nan para ipantutustos sa pangangailangan ng Pambansang atleta, hindi makagawa ng konkretong programa ang PSC upang manatiling nasa alanganin ang resulta ng kampan­ya ng Pambansang atleta kung kompetisyong pan­da­ig­digan ang kanilang sinasalihan.

“Once Senate Bill 3092 becomes a law, a new department dedicated to sports will have a leader who will be as close as he can to the President and holding a position with the rank of a secretary, the­reby giving sports an even greater access to the President’s list of priorities,” ani Trillanes.

Nagsagawa na ng pagdinig ang Komite sa bill na ito at ang mga dumalo ay sina IOC representative sa Pilipinas Frank Elizalde, PSC chairman Ricardo Garcia, POC chairman Monico Puen­tevella, DepEd asst. secretary Antonio Umali, Philippine Fencing Association president Victor Africa at Civil Service Commission director Prisco Rivera.

Ang suporta mula sa Kongreso at lagda mula kay Pangulong Benigno S. Aquino na lamang ang hinihintay para tuluyang ma­ging batas ang SB 3092.

“If President Noynoy Aquino, signs the bill into a law, it will also mark a complete cycle, as it was his mother who made the PSC possible. The calls of the time, however, change and there is now an urgent need to further strengthen government’s sports programs if we serious about achieving what now seems very hard to achieve: an Olympic gold,” ani pa ni Trillanes.

ANTONIO UMALI

CIVIL SERVICE COMMISSION

DEPARTMENT OF SPORTS

IF PRESIDENT NOYNOY AQUINO

MONICO PUEN

ONCE SENATE BILL

PAMBANSANG

PANGULONG BENIGNO S

PANGULONG CORAZON AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with