Azkals isasalang sa 20 tournament bago lumahok sa ASEAN region
MANILA, Philippines - Halos 20 laro ang pipilitin ng Philippine men’s football team management at ng coaching staff na maibigay sa Azkals bago sila lumahok sa torneo sa ASEAN region sa Nobyembre.
Ito ang sinabi ni Azkals team manager Dan Palami, lumagda ng kontrata sa Columbian Autocar Corporation (CAC) kahapon para sa pagpapalawig ng sponsorship deal ng KIA para sa isa pang taon,
Ayon kay Palami, pinapanalisa na ng Phl Football Federation ang isang training camp sa US sa Agosto bukod pa ang sa Bahrain at Japan.
Kasama sa US trip ang mga friendy matches ng Azkals sa ilang Major League Soccer (MLS) clubs, kabilang rito ang Chicago Fire at Columbus Crew, at isa hanggang dalawang koponan sa Confederation of North, Central American at Caribbean Association Football (Concacaf).
Pangangasiwaan naman ng bansa ang four-nation Long Teng Cup kasama ang Hong Kong, Chinese-Taipei at Macau sa Oktubre 12-16 sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City.
“The Azkals are continuing to prepare for top competitions,” wika ni Palami.
Sinabi ni Azkals coach Michael Weiss na importante ang naturang mga ‘exposure’ para sa pagharap ng Azkals sa Malaysia, Vietnam at iba pang SEA powerhouses.
“The more we can go outside and gain valuable experience, the better,” ani Weiss.
- Latest
- Trending