Positibo Pa Rin
Maaaring natalo si Manny Pacquiao sa ring, pero panalo naman siya sa puso ng mga boxing fans. At dahil sa kakaibang nangyari sa laban ni Pacquiao at Timothy Bradley Jr., na pinanalunan ng huli sa kontrobersyal na split decision, maraming positibo pa ring mga bagay ang naganap.
Una ay naipakita ang kababaang loob ni Pacquiao kahit pa alam nang lahat na puno ng kontrobersya ang pagkapanalo ni Bradley sa laban nila noong nakaraang Hunyo 9 ay nagpapatunay lamang na gentleman pa rin si Pacquiao sa loob at labas ng ring.
Kung ibang boksingero iyan ay nagsisigaw na iyan at nagsasalita na marahil ng maanghang na pangungusap sa kanyang kalaban, lalo na nga at kitang-kita naman na may “mali” sa desisyon ng mga judges.
Ikalawa, naipakita na maging ang mga tinatawag na superstar na athletes ay hindi rin ligtas sa tinatawag na manipulasyon o ‘dayaan’. Kahit pa gaano kahanda ang isang atleta, kinakailangan pa rin na hindi ito maging kumpiyansa dahil sa posibilidad na madaya siya.
Pangatlo, dahil nga sa pangyayari sa laban ni Manny dalawang Senador sa Estados Unidos ang nagpanukala nang pagkakaroon ng isang special boxing commission na mangangasiwa sa mga labanan sa naturang bansa. Layunin ng panukala na ibalik ang integridad sa naturang sport.
Isinusulong ni Sen. John McCain ng Arisona at Senate Majority Leader Harry Reid ng Nevada na magkaroon ng U.S. Boxing Commission na magi-implementa ng federal boxing law, makipagtulungan sa boxing industry at local commission, license boxers, promoters, managers at magpapataw rin ng sanction sa mga organisasyon.
Hinalaw ni McCain ang mga pangungusap ng pamoso at dating sportswriter na si Jimmy Cannon, na nagsabi na ang boxing ay ang ‘‘red light district of sports.’’ Bakit?
Marami kasing nangyayari na hindi kanais-nais na sumisira sa reputasyon ng sports dito.
Inihalimbawa ni McCain ang welterweight bout nina Bradley at Pacquiao bilang “latest example of the legitimate distrust boxing fans have for the integrity of the sport.’’
Sabi pa ni McCain: “Clearly, the conspiracy theories and speculation surrounding the fight are given life because there are so many questions surrounding the integrity of the sport and how it is managed in multiple jurisdictions.”
At siyempre, agree tayo dito. Dahil sa pananaw natin ay kinakailangan talaga ng sport na boxing ng isang regulating body na mangangasiwa sa sport at sa mga boksingero, referees at maging sa mga judges at managers.
- Latest
- Trending