MANILA, Philippines - Mula nang kunin ang isang 35-point lead sa first half ay hindi na nilingon pa ng Bolts ang Express.
Tinambakan ng Meralco ang Air21, 106-77, para buhayin ang kanilang tsansa sa isa sa natitirang apat na semifinals ticket sa 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
Humakot si import Mario West ng conference-high 34 points, 7 rebounds, 7 steals at 5 assists para sa panalo ng Bolts.
Itinaas ng Meralco ang kanilang baraha sa 3-4 sa ilalim ng mga semifinalists na Rain or Shine (6-1) at B-Meg (5-2), Powerade (4-2), nagdedepensang Petron Blaze (4-3), Barako Bull (3-3) at Barangay Ginebra (3-3) kasunod ang Talk ‘N Text (2-3), Air21 (1-5) at Alaska (1-6).
“The goal is to have a clear passage to the next level, no less than a sweep is required,” sabi ni coach Ryan Gregorio. “We want to give ourselves a chance to make it to the semis.”
Matapos itala ang 22-point lead, 34-12, sa first period ay umarangkada pa ang Bolts sa likod nina West, Asi Taulava at Chris Ross para sa kanilang 35-point advantage, 64-29, sa huling 2:05 ng second quarter.
Naputol ito ng Express sa 17 puntos, 62-79, sa natitirang 52.4 segundo sa third period sa likod nina import Zach Graham, Wynne Arboleda at Ren-Ren Ritualo, Jr.
Ngunit muling umarangkada ang Meralco sa final canto matapos ilista ang 96-69 bentahe kontra sa Air21 sa 6:04 nito.
Nauna rito ay natawagan si Ogie Menor ng Flagrant Foul Penalty 2 matapos hatawin ang pasalaksak na si West sa 9:22 ng third quarter kung saan nito pinilit habulin ang dating San Beda Red Lion.
Meralco 106 - West 34, Cardona 15, Taulava 11, Mercado 9, Macapagal 9, Bulawan 6, Reyes 6, Hugnatan 6, Ross 5, Yee 3, Aljamal 2, Ballesteros 0, Daa 0, Artadi 0.
Air21 77 - Graham 36, Ritualo 12, Isip 10, Arboleda 6, Omolon 5, Sena 2, Espiritu 2, Menor 2, Faundo 2, Bagatsing 0, Salamat 0, Sison 0, Escobal 0, Hubalde 0.
Quarterscores: 34-12; 64-35; 82-62; 106-77.