^

PSN Palaro

Pinoy paddlers 'di pa rin umubra sa Indons

- The Philippine Star

Haiyang, China --Sa ikalawang sunod na araw ay na­kuntento sa silver medal ang Philippine dragon boat team laban sa gold medalist na Indonesia sa 200-meter, 10-man crew race sa 3rd Asian Beach Games.

Kagaya ng nangyari sa finals ng 500-meter event, rumatsada rin sa dulo ang Asian Games champions para ilista ang bilis na 43.458 kumpara sa 43.992 ng mga Pinoy at 45.076 ng bronze medalist na China.

Nakipagsabayan ang mga Filipino sa mga Indonesians bago kinapos sa huling 20 metro at nabigong tumbasan ang kanilang qualifying time na 43.183 na sapat na sana para makamit ang gold medal sa nasabing biennial tournament.

“I reiterate my crusade to give our athletes proper nutrition and maintain solid preparations for international competitions such as this. I am very happy that under our watch the athletes-to-medal ratio in international meets have been kept at a very high rate,” sabi ni POC president Jose Cojuangco.

Pinuri rin ni Cojuangco ang nakuhang dalawang silver medal ng national team na binuo ng Philippine Canoe/Kayak Federation.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga national paddlers, sinabi ni coach Len Escollante na nagkaroon ng ilang maling desisyon ang koponan.

“Tingin ko may mga ma­ling decisions kaming nagawa but I am confident that we can still correct them for the 3,000 race,” ani Escollante.

Nabigo naman ang 3-on-3 women’s team sa China, 9-10, sa semifinal round.

Bago ito ay nanalo muna ang mga Filipina sa Southeast Asian Games champion Thailand, 10-9.

Bunga ng kabiguan sa China, makikipaglaban ang mga Pinay sa Mongolia para sa bronze medal.

Sa men at women lead event ng sport climbing, umabante sa semifinals sina Dennis Oliver Diaz, Jason Sauco, Jonathan Feleo at Milky Mae Tejares.

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN GAMES

DENNIS OLIVER DIAZ

JASON SAUCO

JONATHAN FELEO

JOSE COJUANGCO

KAYAK FEDERATION

LEN ESCOLLANTE

MILKY MAE TEJARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with