^

PSN Palaro

Nasa mga kamay na ni Pacquiao ang desisyon kung lalabanan si Juan Ma

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakasalalay pa rin kay Manny Pacquiao kung sino ang gusto niyang makalaban sa Nobyembre 10.

Ngunit para kay Juan Manuel Marquez, siya ang dapat piliin ni Pacquiao para sa kanilang pang apat na pagtatagpo at hindi ang rematch sa bagong World Boxing Organization (WBO) welterweight titlist na si Timothy Bradley, Jr.

“If Bob Arum says that I’ll fight with Manny on November 10, that would be great for me. I don’t know what will happen. It’s maybe, I’m not sure,” wika ni Marquez. “Bob Arum said Manny might want to fight me in Mexico. That would be a great thing for me.”

Isang kontrobersyal na split decision loss ang nalasap ng 33-anyos na si Pacquiao laban sa 28-anyos na si Bradley noong Hunyo 10 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada na nagbunga ng mga kritisismo sa hanay ng mga judges na sina Duane Ford, Cynthia J. Ross at Jerry Roth.

Ayon kay Arum, haha­yaan niya ang Sarangani Congressman na magde­sisyon kung sino ang gus­to niyang labanan sa Nobyembre 10 kahit na may rematch clause sa kanilang fight contract ni Bradley.

Kamakailan ay iginiit naman ni Mexican promo­ter Fernando Beltran na si Marquez ang dapat sagupain ni Pacquiao dahil ito ang mas panonoorin ng mga boxing fans kesa sa kanilang rematch ni Bradley.

“I need to see what Bob Arum says, and what Pacquiao says,” wika ng 38-anyos na si Marquez, tinalo ni Pacquiao via majority decision sa kanilang pangatlong pagkikita noong Nobyembre 12, 2011.

“Pacquiao wants to fight me in Mexico, and Bob Arum has said the same. I don’t know, I need to wait,” ani pa ng Mexican fighter.

Ang kontrobersyal na majority decision victory ni Pacquiao, nangakong babalatuhan ang kanyang mga kababayan sa Sarangani na biktima ng baha at lindol, ay mariing tinuligsa ni Marquez.

Sa kanilang unang pag­haharap noong 2004, isang draw ang naitakas ni Marquez sa kabila ng tatlong beses na pagpapabagsak sa kanya ni Pacquiao. At sa kanilang rematch noong 2008 ay nakuha naman ni ‘Pacman’ ang isang split decision win.

vuukle comment

BOB ARUM

BRADLEY

CYNTHIA J

DUANE FORD

FERNANDO BELTRAN

IF BOB ARUM

JERRY ROTH

MARQUEZ

NOBYEMBRE

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with