^

PSN Palaro

Pinoy paddlers sumagwan ng silver sa Asian Beach Games

- The Philippine Star

Haiyang, China--Matapos biguin ng Asian Games champion Indonesia, nakuntento na lamang ang Philippine dragon boat team sa silver medal sa 10-man crew, 500-meter race ng Asian Beach Games.

Napahiya sa 2011 Southeast Asian Games, inu­ngusan ng mga Indonesians ang mga Filipino paddlers sa nasabing four-nation finale mula sa kanilang oras na 1:52.477.

Nagrehistro ang mga Pi­noy ng 1:52.927 kasunod ang Thailand (1:55.667) at host China (1:54.088).

Tinalo rin ng Indonesia ang RP team sa morning eliminations sa Group A sa kanilang tiyempong 1:53 kumpara sa 1:55 ng huli para angkinin ang isang finals seat kasama ang Thailand na bumigo naman sa China.

Dumaan sa repechage kontra sa Vietnam at Hong Kong, dinomina ng mga Fi­lipino ang extra round sa kanilang bilis na 1:57, habang inunahan ng China ang Japan at Macau para makumpleto ang final cast.

Sa finals, kinapos naman ang mga Filipino sa huling 10 metro at isuko ang gold medal sa Indonesia.

“Sayang talaga, we had done everything according to plan,” sabi ni coach Len Escollante.

Umabante naman sina sport climbing aces Milky Mae Tejares, Jonathan Feleo, Jason Sauco at Dennis Oliver Diaz sa semifinal round ng women at men bouldering event.

Nagtala naman ng 1-1 record ang Philippine wo­men’s 3-on-3 basketball squad matapos pakainin ng alikabok ang koponan ng Nepal, 20-1, bago yumukod sa India, 14-9. 

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN GAMES

DENNIS OLIVER DIAZ

GROUP A

HONG KONG

JASON SAUCO

JONATHAN FELEO

LEN ESCOLLANTE

MILKY MAE TEJARES

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with